Miyerkules, Marso 13, 2013

''SA MUNDO NG GAY LANGUAGE''

Ang lenggwahe ng mga bakla ay isa sa napapansin ko sa paligid kahit saan kaman pumunta makakarinig ka talaga ng mga ito. Sa Pilipinas, ang salitang bakla ay ginagamit na maluwag upang isama ang mga homosexuals, bisexuals, transsexuals, crossdressers. Karamihan sa mga Pilipinong bakla ay estereotipiko bilang, crossdressers  at hairdressers sa kampo.

Bakla o Bading, na salita kung iyong maririnig  ay parang ikinahihiya noon, ngunit nang sumikat ang mga bakla at umusbong sa panahon ngayon parang nawawala na rin parang natural lamang. Tibo o tomboy ay may isang katulad na function, at tumutukoy sa mga lesbians, na karaniwang Butch na uri at panlalaki. Mas kaaya-aya na salitang slang para sa mga gay lalaki Billy batang lalaki. Para sa mga Pilipino gays naman, ang Tagalog na  pariralang "paglaladlad Ng kapa" (literal ay nangangahulugan "unfurling ng kapa") ay tumutukoy sa mga darating na-out na proseso. Kahit na ang mga gays at lesbians ay karaniwang disimulado sa loob ng isang lipunan, mayroon pa ring laganap na kaso ng diskriminasyon.

Swardspeak ay ang  bernakular na wika na nagmula mula sa Englog (Ingles-Tagalog) at ginagamit ng mga bakla.Ito ay gumagamit ng mga elemento mula sa Tagalog, Ingles, at Espanyol, at ang ilan ay mula sa Nippongo, pati na rin ang mga celebrity 'pangalan at signature, brand, na nagbibigay sa kanila ng mga bagong kahulugan sa konteksto ng mga ito sa natatanging wika. Isang natatanging kaugalian ng swardspeak na agad itong makilala sa mga sinasalita upang gawing madali para sa mga tao ang orientation na magsenyas sa bawat  lugar na kung saan ang mga tendencies ay hindi madaling ipakita (ie sa Pilipinas).Lumilikha ito ng isang eksklusibong mundo kasama ng mga nagsasalita nito at tumutulong sa mga ito upang labanan ang kultural paglagom ng wika.

Sa pamamagitan ng paggamit ng swardspeak, ang mga Pilipinong bakla ay nagingibabaw na kultura ng kanilang lugar at lumikha ng isang puwang sa kanilang sariling Wika ay patuloy na nagbabago, may lumang parirala na lumipas na at bagong parirala naman ang madalas na  pumapasok sa pang-araw-araw na paggamit, na sumasalamin sa mga pagbabago sa kanilang mga kultura at  sa pagpapanatili ng pagiging eksklusibo. Ang pabago-bagong likas na katangian ng wika ay masasabi nating umuunlad ang wikang Filipino, sa iisang kultura at pinapayagan rin silang magpahayag o makapag-express ng kanilang kalooban sa kanilang sariling expression. Ang mga salita at mga parirala ay maaaring lumikha ng reaksyon sa mga popular na  lifestyle ng isang bakla. Sa pamamagitan ng mga katangian na ito, ang swardspeak ay  lumilikha ng isang  grupo na walang anumang mga kurbata sa heograpikal na wika, o kultural na mga paghihigpit, na nagbibigay-daan sa mga nagsasalita nito sa  wika na aangkop sa  mga oras. Sa ganitong paraan, ang wika "mobile", at nang sabay-sabay bahagi ng isang mas malaking komunidad ngunit  bukas din sa mas tiyak na  lokal na mga kahulugan. "

''Games nanaman sa CP''

Isa itong laro sa aking cellphone na kung saan ito ang aking linalaro kapag wala akong ginagawa.Ang larong ito ay ikaw yung mag-aalaga ng mga pusang ito ibigay mo kung ano nag gusto niya pagkain man ito o laruanat kung gusto niya ring uminum, hindi lang isa kundi habang tumatagal dumadami ang mga pusa, kaya  marami rin ang iyong aasikasuhin at kapag hindi mo mabigay agad ang kanyang hinihiling magagalit sila, ikaw na naglalaro litong-lito ka rin kung ano ang ibigay mo sa kanila. Ang larong ito ay nakakainis minsan ngunit mapapatawa ka rin sa sitwasyon mo na parang isa kang ina na maraming anak at kapag lumalaro na ako nito wala na akong pinapansing iba kundi nakakonsentra sa paglalaro.

Ang larong ito  ay maituturing kong isang kulturang popular dahil tinatangkilik ko ito at pati na yung mga kaibigan ko na nakakita nito naglalaro rin sila at naadik palaging humihiram ng cellphone at maglaro sa gilid at napapatawa, naiisnis dahil sa mga pusa.

''Iba't ibang kulay ng mata''


Ito ang isa sa mga kulturang popular na aking napapansin sa ating paligid, nung umuso ito at sumikat, maraming tumatangkilik nito dahil sa kagandahang naidudulot sa mga gumagamit, ito ay may iba't ibang kulay at disenyo na nagpapaganda sa mga mata na kung iyong mapapansin na parang ang dating ay isang banyaga.

Alam naman natin na tayong mga Pilipino ay mahilig sa fashion kahit mahirap hinihikayat talaga na makakabili nito at ipasikat sa mga tao, dahil kapag nakasuot ka nito ay parang ang  feeling ng sumusuot nito ay kakaiba na siya at para naman sa iba na bago pa lamang nakakita nito hangang-hanga talaga sila at sabihing mayaman at parang artista....

Mayroon din itong mga horror na disenyo at may iba't ibang kulay na kung saan ito ay ginagamit ng mga artista sa pellikulang horror na kung iyong titingnan o mapapansin parang totoo talaga na ang kanilang mga mata na nakakatakot ngunit dahil ito sa kagandahan ng contact lenses.

Ang contact lenses ay hindi lamang pang-fashion kundi para na rin ito sa may mga sakit sa mata na parang eye glasses ngunit mas mabuti itong gamitin dahil hindi ito sagabal sda ito ang isang klasi ng contact lenses.


Martes, Marso 12, 2013

''CELLPHONE na Makapangyarihan''



Ang cellphone na ito ay makapangyarihan na kaka-aliw talaga, mayaman sa games, sa musika, makakabukas rin ng mga videos at madaling makapag download kahit ano yung gusto mo, musika man ito o video pwede rin yong mga games at makaka-internet pa. Kapag walang ginagawa sa bahay magpatugtog  ng musika at kapag may load internet agad, kahit nag-iisa hindi pa rin boring ang buhay kapag hawak-hawak ang cellphone na ito, kasi ang mga games dito ay nakaka-aliw talaga. 

Nokia Xpressmusic 5310 ang model ng cellphone na ito, ito ay napakagandang model hindi sagabal sa bulsa dahil ito ay manipis at hindi paito madaling masira kahit na ito ay nahuhulog. Para sa akin ito ay isang kulturang dahil ito ay ginagamit ko sa araw-araw ng aking buhay at ito ay marami rin ang gumagamit at tumatangkilik dahil kung gagamit ka nito ay kumportable ka talaga.


''BONSAI''


Bonsai, ito ang kinagigiliwan  ng lahat na mahilig sa mga halaman o bulaklak, noong umuso ito maraming mga tao ang atat na atat sa paghahanap nito, ang iba ay pumupunta sa gubat upang maghanap ng mga puno na may magandang disenyo at ang pinakamatanda na parang ilang taon na ito at ang iba naman ay bumibili na lamang upang madali, ilagay na lang agad sa kung saan mo gusto sa iyong bahay, kahit napakamahal ng halaga nito marami pa rin ang bumibili dahil ito ay kawili-wili talaga tingnan mayroong iba't-ibang hugis sa pagkaputol ng mga sanga  nito may iba't ibang hugis din ang puno.
Masasabi natin na  ito ay isang kulturang popular dahil marami ang tumatangkilik nito at isa na ako roon, kahit saan man ako pumunta kapag makakita ako ng mga magagandang bonsai o mga puno na parang bonsai ay tinitingnan ko talaga yan na parang hindi aalis ang aking mga mata sa kakatingin

Ang BONSAI ay maraming klasi at disenyo ito ay nakadepende sa istilo ng tagapag-alaga nito mayroon ding bonsai na mini forest. Ito ay nagpapaganda sa ating bahay bilang dekorasyon.